Ang Alamat Ng Daga

                                    Noong unang panahon sa isang malayong lupain sa Pilipinas merong isang mayamang pamilya, ito ang pamilya Paxley sila ang pinakamayaman sa lupaing kanilang tinitirikan kaya sila rin ang namumuno at namamahala dito. Ang pamilya ay biniyayaan ng iisang anak si Dagatillo.

     Bagama't mayroon siyang mabait na ama at ina siya ay naiiba, si Dagatillo ay mas malupit abusado at mayabang. Isang araw si Dagatillo ay napagpasyahang maglakbay ng tatlong araw dahil wala na raw siyang magawa sa kanilang pamamahay, dahail sa kabaitan ng kanyang magulang ay kanila itong pinayagan. Pinabaunan si Dagatillo ng tatlong balot ng tinapay na sakto lamang sa kanyang tatlong araw na paglalakbay. Sinimulan na ni dagatillo ang paglalakbay, habang nasa daan siya ay nag "crave"sa keso. Sa sobrang pagkasabik sa keso pumunta siya sa pinakamalapit na bayan,ngunit walang maibigay ang mga tao doon dahil sa sobrang mahal ng keso kaya nagwala si Dagatillo hanggang sa masira niya halos lahat ng tindahan doon. Ang hindi alam ni Dagatillo ay may nagmamasid na sa kanyang isang diwata.

                        Natapos na ni Dagatillo ang dalwang araw na paglalakbay, ngunit habang siya ay naglalakbay patungo sa kabilang baryo ay may nakasalubong niya ang isang matandang pulubi na nanghihingi ng tinapay. Alam ni Dagatillo na sobra pa ang tinapay na kanyang baon, ngunit di niya binigyan ang matanda at sa halip ay kanya pa itong sinabihan ng masasakit na salita kaya naman ay ipinakita ng matanda ang kanyang tunay na anyo. Ito pala angf diwatang nagmamasid sa kanya sa kanyang paglalakbay, at dahil sa kalapastanganang ginawa ni Dagatillo ay isinumpa niya ito at ginawang isang maliit na hayop na may mahabang buntot, mahilig sa keso, malaki ang ngipin sa harapan at kinagagalitan ng mga tao at nang nagkalaon ay daga ang kanilang itinawag dito.

Comments

Post a Comment